Flove – the Filipino kind of Love

credits to filipinolifeinpictures.wordpress.com

Haay.. Pag-ibig nga naman. Ang sarap talagang umibig. Sino ba namang tao ang hindi nangarap na makasumpong ng tunay na pag-ibig. Marami talagang nagbabago kapag dinapuan ka ng pag-ibig. Minsan na akong umibig, at masasabi kong yun ang mga “Masasayang” araw ko, noon yun noong ako’y may iniibig pa. (Babala: May Pinaghugutan.)

Kapag lumabas ka ng bahay, may isang tricycle driver na angkas ang kanyang asawa habang bumabyahe. Pag upo mo sa jeep, may mag-syotang magkatabi at masayang nagtatawanan. Kahit saan ka pumunta, kitang kita mo sa bawat mukha ng mga pilipino ang pag-ibig.

Base sa aking karanasan at nasaksihan, may mga bagay akong napuna patungkol sa pag-ibig at inilista ko ang mga iyon:

1. Kapag in-love ka, lagi kang puyat.
– Oo, alam ko, may exam ka pa bukas, may presentation ka bukas, pero in-love ka, ka-text mo sya, puyat ka.

2. Kapag in-love ka, matipid ka.
– Pang dota na, itatabi mo pa, mahirap na, baka magyayang kumain sa labas.

3. Kapag in-love ka, lutang ka.
– Lumagpas ka na sa babaan ng jeep kakaisip mo sa kanya. Papagalitan mo pa ang driver dahil binaba ka sa malayo.

4. Kapag in-love ka, lahat ng lugar ay tila “walking distance” lang.
– Ang date nyo ay sa MOA, kahit taga zambales, nakakarating. Ang galing!

Syempre, ilan lang yan sa mga maaring mong maranasan kapag ika’y in-love. Bukod pa dito ang pagiging masipag mo sa lahat ng bagay, pagiging top 1 sa klase, at pag ngiti ng walang dahilan.

Pero tandaan, ang pag-ibig ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan flat. Marami-rami parin ang masasabi nating hindi pinalad pagdating sa pag-ibig at nagkalat sila ngayon sa facebook at twitter.

Ayon sa bibliya:

 “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.” -1 Corinthians 13:4-7

Jesus Loves You

Ang isa sa mga pamantayan ng pag-ibig ay ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Una nya tayong inibig kaya natuto tayong umibig. Sya ang perpektong ehemplo ng tunay na pag-ibig. Minahal nya tayo kahit hindi tayo karapat-dapat mahalin. Kaya kapag na-inlove, wag tumawag sa kung sinu-sinong DJ, tawagin ang Diyos na nagimbento ng pag-ibig.

Ang Pag-ibig para sa akin ay parang isang “Paru-paro”, Lumalayo kapag iyong hinahabol, wag mong habulin kusang dumadapo. Ang Pag-ibig ay hindi minamadali at nangangailangan ng matinding pagiisip at mataimtim na panalangin. Eto ay isang malaking desisyon na gagawin mo sa iyong buhay. Ang pag-ibig ay hindi isang chewing gum na pag nawala na ang tamis, ididikit mo sa ilalim ng iyong upuan at kakalimutan na lang kailanman. Hindi dahil may syota na ang tropa mo, magssyota ka na din. Hindi ito paligsahan para ang love-life mo ay mag trending. #InARelationshipSilaHayaanMoSila

Ilan sa mga tanong na dapat sagutin para malaman kung handa ka ng umibig:

1. Handa na ba ako?
– Trese (13) ka pa lang, kailangan mong maintindihan, HINDI KA PA HANDA! Lahat ng nakukuha ng mabilis, nawawala ng mabilis. Kung ang pera mo ay nanggagaling pa sa iyong magulang, hiya hiya din! Magtapos ng pag-aaral, maghanap ng trabaho, tumulong sa mga responsibilidad sa pamilya bago lumandi. Wag isabuhay ang awiting “Love will keep us alive”. Teh, pag nagutom ka, hindi mo makakain ang pag-ibig. Katangahan Level: Extreme.

2. Kaya ko na ba?
– Marahil galing ka isang nasirang pag-big o di kaya naman dumudungaw ka na sa bintana ng bagong pag-ibig, ang tanong ay, Kaya mo na ba? Hindi lahat ay kaya, marami paring tao ang mala-teleserye ang pag ganap; “Babangon ako’t dudurugin kita!” ang peg sa pag hihiganti sa ex, o di kaya’y para may karapatang magpalit ng relationship status. Tanungin ang sarili, Kaya ko na ba?

3. Gusto ba nila?
– Walang masama sa pag amin ng nararamdaman, lalo na sa mga taong malapit sa’yo, sa mga taong tumutulong sa’yo, sa mga taong nananalangin para sa’yo. Wag mo silang biglain na BF mo na agad si Daniel Padilla. Tandaan, ang tunay na pag-ibig, sumasang-ayon ang lahat.

4. Ansabe ni Lord?
– Iba pa rin kapag may “Go-signal” mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi kontrabida na laging kumukontra sa bawat eksena. Kaya wala kang syota ngayon dahil hinahanda ka nya sa taong tingin nya ay the best para sayo. Sya ang pinaka-magaling na “match-maker”.  At kasama sa plano nya na magkaroon ka ng makakasama habang buhay. KALMA LANG!

kalma

Ako, handa na ba ako? Tatanungin ko muna ang sarili ko:

1. Kaya ko na ba?
2. Handa na ba ako?
3. Gusto ba nila?
4. Ansabe ni Lord?

PS: Ang blog na ito ay isinulat sa wikang Filipino dahil ngayon ay Buwan ng Wika.

Advertisements

6 thoughts on “Flove – the Filipino kind of Love

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s