Paano ka magiging crush ng crush mo? (Student Edition)

Paano ka magiging crush ng crush mo

Hindi ka estudyante kung hindi ka nagkaroon ng crush noong ika’y nagaaral pa. Aminin mo na, minsan kang nagka-crush sa iyong seatmate na varsity/chearleader o sa escort/muse ng inyong klase.

Pero tama ka, crush lang yun! Walang ibig sabihin yun! Pero bakit pag ngumiti sya, humihinto ang mundo mo? Pag kinausap ka nya, natutulala ka? At pag umutot sya ng tahimik tapos ngingiti (mula dito), okay lang sayo?

Sigurado akong ganado ka din pumasok ng maaga para makita sya sa hallway. Tapos aabangan mo ng lunch habang umiinom ng zest-o, tapos nasa gate ka lang kunyari naghihintay ng friend pero ang totoo tinitignan mo kung san sya pupunta pagkatapos ng klase. Yung totoo? crush ba yan o secret agent ka ng NBI?

Ang tanong, crush mo sya, pero crush ka din ba nya? Baka dikit ka ng dikit sa kanya pero isang “walking poste” ka lang para sa kanya? Baka panay ang tulong mo sa mga assignments nya pero “concerned sibling” ang tingin nya sa’yo? O mahirap nyan baka pag-ibig na, “friend” ka lang pala sa kanya. *ouch*

Walking Poste – Lahat ng effort ginawa mo na, pero hindi ka nya maramdaman. Parang poste, nandyan lang sa kanto, pero wala syang pakielam.

Concerned Sibling – Asikaso dito, asikaso doon. Research dito, research doon. Ang bait talaga ng kapatid ko! (Babala: Kung ang “Pabirong” tawagan ninyo ay “Kuya” o “Ate”, eto na yun.)

Friend – Wag kang mag assume agad. Kadalasan dito bumabagsak ang lahat.

Wag mag-alala, may pag-asa ka pa! Narito ang paraan kung paano ka magiging crush ng crush mo, “MAG-ARAL”.

1. Mag-aral ng Mabuting Asal.
– Hindi ba’t nakakahanga ang mga taong may mabuting asal? Yung mga taong mabuti ang kalooban. May respeto at hindi puro kabastusan.

2. Mag-aral Makisama.
– Totong masarap kasama ang mga taong magaling makisama. Yung nag aadjust at hindi laging sarili ang iniisip.

3. Mag-aral ng salita ng Diyos.
– Yung mga taong aral sa salita ng Diyos, malapit sa Diyos. Masarap kasama, masarap kausap, ang mga taong malalapit sa Diyos.

Pero higit sa lahat, “MAG-ARAL KA MUNA!” Hindi ko sinasabing masama ang mag-ka crush, pero pag tinanong ka ng magulang mo kung kamusta grades mo, anong sasabihin mo?

konti

Advertisements

6 thoughts on “Paano ka magiging crush ng crush mo? (Student Edition)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s