Umasa ako! Umasa ako! Bwisit ka!

Babala: Maraming aalmang kalalakihan, pero mas maraming matatauhan. Higit sa lahat, maraming matutuwa at sasang-ayong mga kababaihan sa blog post na ito.

asa

May dalawang tao, isang lalaki at isang babae. Naging magkaibigan sila dahil sa isang common friend. Sweet si lalake, yung tipong ittext ka bago matulog at ittext ka pagkagising sa umaga. Yung ihahatid ka sa eskwela at susunduin ka sa hapon. Kahit ano ang ipagawa mo, gagawin, kahit anong request mo, tutuparin. Bibigyan ka ng tsokolate at magsusulat ng maliit na note tapos iipit sa notebook mo. Pupunta sa bahay nyo at icclose ang mga kapatid mo. Consistent nyang ginagawa yun hanggang sa mahulog ng tuluyan si babae.

Syempre, kung ikaw ay babae at madalas gawin sa’yo yun, hindi mo talaga maiiwasang mag-isip. Yung iba nag-aassume. Na itong si lalake ay “Baka” may gusto sa’yo.

Sandali, “Baka” lang. Ang tanong, totoo ba? Wag maging biktima ng mga taong “Pa-Asa”.

Oo, aamin na ako mga brad, minsan ko na ding ginawa yun. Pero hindi lang ito gawain ng lalaki, pati babae. Ito ang mga ilang dahilan:

1. Testing lang, baka matuloy.
– Wala namang planong ma-inlove o manligaw. Susubukin lang ang kakayahan sa pagpapakilig. Syempre, pag nahulog, instant GF/BF. Testing lang, kung hindi matuloy, wala namang mawawala sinubukan ko lang.

2. Testing lang, baka may benepisyo.
– Isa sa mga pakay ay makapag-samantala. Oo, aaminin ko, bilang lalake, mapagsamantala ako. Karamihan naman halos, wag na magmalinis. Testing lang, kung matuloy, hep hep hooray!

3. Testing lang, baka makaganti.
– Ang pinakamasakit sa lahat. Pa-fall, magiging kayo, para lang makapag-higanti sa ex. Testing lang, papakita ko lang dito na kaya ko maghanap ng iba at hindi sya kawalan. Bad.

Masyadong mabigat ang mga inilista ko sa taas. Baka abangan na ako sa labas ng mga taong guilty. Di ako magdedeny, ginawa ko na din yan noon.

Tandaan, yung mga pa-fall ay “Testing Lang” din para sa mga tao:

1. Testing lang kung makakapag-hintay.
– Kailangan mong matutunang maghintay. Hintayin mo ang tamang tao dahil hinanda yun ni Lord para sa iyo. Sabi ng bibliya, “For i know the plans i have for you.” Jer. 29:11 Kasama sa plano ni Lord yang love life mo at alam nya kung anong dapat nyang gawin, maghintay ka lang.

2. Testing lang kung anong priority.
– Importante ang priority sa buhay ng tao. Ito ang magdidikta ng iyong kinabukasan. Kung puro pag-bbf/pag-ggf ang priority mo ngayong nag-aaral ka pa lang, hindi ako manghuhula pero huhulaan ko, hindi mo ma-aabot ang mga pangarap mo. Unahin ang dapat unahin. Dadating yan sa tamang panahon.

3. Testing lang kung okay ang puso.
– Hindi boyfriend/girlfriend ang kukumpleto sa pagkatao mo lalo’t higit sa puso mo. Nariyan ang iyong mga kaibigan, mga ka-klase, mga ka-trabaho, mga ka-pamilya at higit sa lahat, ang Diyos para kumumpleto sa’yo.

Kung ikaw na nagbabasa nito ay naging isang biktima, meron akong payo para sa’yo kaibigan. MAGPATAWAD, Patawarin mo sya at ipagpatuloy ang buhay. Sa pamamagitan nito, makakalaya ka sa rehas ng nakalipas. MANALANGIN, hayaan mong madinig ng Diyos ang iyong hinaing. Masaya syang tulungan ka at bigyan ka ng kapahingahan. “Come to me, all you who are weary and burdened, and i will give you rest” – Matthew 11:28

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s