Hashtag Project Binata (Ang Pagbibinata ni Mac Sagun) #ProjectBinata

Due to insistent public demand, narito na ang istorya sa likod ng #ProjectBinata. 🙂

Disclaimer: Pasensya na kung medyo malabo ang ibang parte ng kwento, hanggang ngayon kasi kinikilig pa din ako. 🙂

Mga ilang linggo bago ang mga kaganapan:
Nag simula sa isang facebook chat, inamin ko sa aking mabubuting kaibigan na sila Raymond dela Cruz, Chris Gullon at Braz Discipulo (Age Bracket) ang tunay kong nararamdaman. Masaya akong natuwa sila at naging excited para sa akin. Mula doon ay nagset na kami ng meeting upang mapagusapan at mapag-planuhan ang aking pagtatapat. Si braz ang emcee, si raymond sa technical at si chris sa bulaklak na galing dangwa. Napagusapan din ang mga gagawin, mga sasabihin at kung anu-ano pa. Ayus, planado na ang lahat.

Byernes:
Isang desisyon ang aming nabalitaan mula sa aming pastor na nagdulot ng pagkagulat at panghihinayang. Hudyat para ituloy ang napagusapang plano upang magbigay ng sariwang hangin sa lahat. Ang prayer namin nung araw na ito, “Lord, sana hindi umalis sa bahay bukas sila pastor at mommy v.” dahil kinabukasan ang takdang araw upang magpaalam sa kanila. Katunayan, pinag-fast pa namin ito. Sinimulan ko nang isulat ang aking mga sasabihin sa linggo. At sinimulan ko na din gawin ng AVP kinagabihan.

Sabado:
Ito ang araw na itinakda upang magpaalam sa kanyang mga magulang. Hindi ko ito karaniwang gawain, at ang totoo, ngayon ko lang ito ginawa sa buong buhay ko. Kung tatanungin ako kung kabado ako, OO! OO! OO! Pero kailangan ko itong gawin dahil ito ang tama. Noong umaga, nagtext na ako na gusto ko sana sila makausap patungkol sa isang problemang pinansyal (syempre, kunyari lang.) Alas-3 ang usapan. Bitbit ang pag-asa, kapirasong lakas ng loob, Isang kahong pizza at mojos ay nagtungo ako sa kanilang tahanan.

Pagkatapos naming kumain ng meryenda ay inimbitahan ako ng kanyang ama/aking pastor upang magusap sa kusina. Kasama si mommy v, doon ako ay nagtapat na hindi totoong may problema ako patungkol sa pinansyal at ang nais ko lamang ay humingi ng pahintulot upang manligaw sa kanilang anak. Huminto ang mundo ng mga 5 segundo. Pagkatapos ay kinausap na ako patungkol sa aking desisyon. Batid ng kanyang ama/aking pastor, “Mac, katunayan, gusto na kitang kausapin tungkol dito.”. Ako’y nahimasmasan at biglaang nawala ang aking kaba. Pinagtapat nila sa akin ang kanilang nararamdaman at opinyon sa aking desisyon. Marami akong natutunan patungkol sa buhay, panliligaw, at mga bagay patungkol kay sarah (Na oo, yung iba dun ko lang nalaman.) At nagtapos ang usapan sa “Go. You have our blessing.”. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ang saya nitong araw na ‘to. 🙂

Matapos ang pagpapaalam, dumerecho na ako sa aming church para sa aking weekly cell meeting at praise and worship rehearsal. Walang ka-alam alam si sarah sa mga nangyari. Normal ang lahat na parang tipikal na sabado sa church.

Kinagabihan, may mga binago ako sa mga sinulat ko noong byernes. At inulit ko ang ginawa kong AVP, this time, ginawa ko ito ng mas masaya at punong puno ng pananabik. At ito ang finish product:

speech

Linggo:
This is it pancit! Ang araw na kung saan masasabi kong araw na hindi ko makakalimutan kailanman. Tinanghali ako ng gising dahil tinapos ko ang mga dapat tapusin nung kinagabihan. (Patawarin nyo ako kung wala ako sa Morning Prayer.) 9:30 ako dumating sa church na tila normal lang ang lahat. Of course, kasabwat ko ang dalawa kong alagad na sila Josiah Diaz at Nehemiah Defeo upang mag asikaso sa teknikal at mag document ng mga pangyayari.

Walang kaalam-alam ang lahat at si sarah sa mga susunod na mangyayari. Matapos ang Praise and Worship, nagsimula nang magbigay ng testimony ang ilang mga tao sa church. Pagtapos ng lahat ay inihanda ni Braz ang mga tao para makinig sa isang testimony na mula sa akin. Batid nya, “Meron pong nag request na mag testimony, bihara lang po itong request na ito. Pakinggan po natin sya. Tawagin natin si Kuya Mac Sagun!”. For the record, Ito na ang pinaka malakas na pag tibok ng puso ko simula nung isinilang ako. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kaba. At ito ang mga sumunod na nangyari:

Maraming tao ang natuwa. Maraming tao ang na-inspire. Maraming tao ang naiyak. Maraming tao ang naging masaya para sa amin. Kulang ang salitang “Salamat” para pasalamatan kayong lahat.
Sa lahat ng naging parte nito, mula sa aking puso, MARAMING SALAMAT!

To God be the Glory!

Advertisements

2 thoughts on “Hashtag Project Binata (Ang Pagbibinata ni Mac Sagun) #ProjectBinata

  1. Naiiyak naman ako doon…..

    Mac, my god son, I left Manila after you were baptized and look at you now, so grown up, binata na talaga, I am so proud of who you are, you’re such a sweet, truly gentleman, I pray that you’re relationship will last forever. We are very happy that you’ve found someone that you will LOVE and LOVE you.

    Sarah, I would like to welcome you in our family, you’re so lucky to have Mac, although I did not see him grew, I took care of him for short time, he is so sweet, and I wish you both happiness…..

    God bless you both, and hope to meet you someday, Sarah…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s