Bakit kinain mo ang cake na dala ko para sa ate mo?

Napagkatuwaan lang. Sa araw-araw ko ba namang pamamalagi sa facebook at twitter, marami-rami na din akong naisulat sa luma kong kwaderno patungkol sa mga bagay na ito. Hindi naman talaga ako bihasa pag dating sa pag-ibig, una lang talaga akong inibig ng Diyos kaya natutunan kong umibig. (1 John 4:19)

Pero bakit ba ang kukulit natin pag dating sa pag-ibig? Bakit ba hindi muna magisip isip, maghintay at manalangin? O talagang nagiging tanga lang kahit matalino naman kapag tinamaan ng pag-ibig?

  • Disciple, leader sa church, ang nagustuhan unbeliever. Lakas pa mag mura.
  • Hilig mag i love you, hindi naman mahal si Lord.
  • Puro pa pogi, tagilid naman grades. Tapos manliligaw?
  • Kung makapag yaya lumabas kala mo ang daming pera, galing naman sa magulang.
  • Galing mag sulat ng love letter, may pabango pa yung stationary, di naman nag dedevotion.
  • Daming chicks, walang invite sa church?
  • Lakas manlibre, di naman nagttithes?
  • Daming napuntahan, sa church di makapunta?
  • Lakas mag text kasi unli, kay cell leader di makareply?
  • Kapag may lakad sila hindi nagpapahuli, pag dumating sa church laging huli?
  • Yung number ni crush kabisado, memory verse palyado?
  • Friends lang daw. Bakit ang lakas mag selos?
  • Dati Best (bestfriend) ang tawagan, ngayon ‘beh’ na?

*Note: Yung mga nakasulat sa itaas ay hango sa mga hinanakit ng mga cell leaders na kakilala ko. Asahang madadagdagan pa sa mga susunod na araw.*

Di ako magkakaila, ganyan din ako, noon. Habang dumadagdag ang aking edad, natututunan ko isa isa at mas nakikita ko ang plano ng Panginoon sa aking buhay pag-ibig. Hindi kailangang mag madali. “The Future is Long.” ika nga ni Steve Jobs.

Ihalintulad natin ang pag-ibig sa isang birthday cake. Wag mo munang kainin ang cake dahil hindi mo pa birthday. Naka-reserba ang cake para sa birthday mo. Maghintay ka lang at mag bbirthday ka din. 

May mga mahahalagang tanong ayon dito na dapat sagutin upang malaman ang iyong “readiness” pag dating sa pag-ibig.

Mainam din na mag set ng “Standards” sa buhay pag-ibig. Nais kong ibahagi ang isang post mula sa aking kaibigang si Eldan Mercado mula sa ZCF.

Screen Shot 2013-10-16 at 11.36.55 PM

Tandaan, disenyo ng Panginoon ang pag-ibig at alam nya ang tamang gagawin. Maghintay, manalangin, at patuloy na mahalin ang kapwa dahil yan ang isang utos ni Hesus sa kanyang mga alagad..

“A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another. By this everyone will know that you are my disciples, if you love one another.”  – John 13:34-35

Kung may natuwa sa post na ito, papuri sa Panginoon. Kung may na-bless at nagkaroon ng direction sa kanyang buhay pag-ibig, papuri muli sa Panginoon. Kung may tinamaan at sumama ang loob sa post na ito, problema nyo na yun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s