Baka napanood mo lang yung starting over again gusto mo na agad magka-syota?

starting over again

“Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko!” – Ginny Gonzales (Starting Over Again, 2014)

Maaaring dumating ka na din sa isang sitwasyon na nasabi mo din ang mga linyang yan. Nakarelate ka din ba? Oh well, ganyan talaga sa buhay pag-ibig. Matatauhan ka lamang kapag sinagasaan ka ng katotohanan. Sino ba ang hindi naging “tanga” pag dating sa pag-ibig? Lahat naman dumaan dun.

Bakit ba kasi hindi muna magpaalam ang “break-up” sa relationship sa simula pa lang para sa simula pa lang alam na natin kung papasok ba tayo sa isang relasyon o hindi? Sana kung ganun, walang taong iiyak, walang masasaktan at walang maiiyak sa pelikulang Starting Over Again.

Shape Sorter

Natatandaan mo pa ba nung bata ka kapag nilalaro mo ito? Dahil bata ka pa lang akala mo lahat ng shape ay pasok sa lahat ng butas nito. Ang tendecy isisiksik mo ng isisiksik knowing na maipapasok mo ito. At pag hindi ka nagtagumpay, iiyak ka na lang. Tapos magugulat ka yung mga matatanda, ang dali lang nila ipasok yung mga shapes sa butas. Nakakainis lang di ba?

Kaya ka siguro nasasaktan ngayon ay dahil pinipilit mong ipasok sa buhay mo ang mga bagay na hindi naman talaga pasok para sa sa’yo. Pinipilit mong ipasok ang isang puso na hindi naman pasok sa puso mo. Kaya ang tendency, iiyak ka kapag hindi kayo okay, maiinis ka kapag hindi ka nya tinetext, tapos makikita mo yung barkada mo na ang saya saya sa love life nya. Badtrip di ba?!

Ang pag-ibig ay parang flappy bird, kahit ilang beses ka nang nauuntog hindi mo parin titigilan. Pero hello, kung lagi kang nauuntog, wag mong gawing hobby, matuto ka para maka-high score ka! At wag mong ikumpara ang score mo sa score ng iba, dahil yung score ng iba may daya.

From Flappy heart to Happy Heart:
1. Tandaan, ang mundo ay isang malaking palaisdaan.
– Maraming isda at iba’t ibang klase sila. Kung tipo mo ang petite, may dilis. Kung tipo mo ay matipid may galunggong. Kung tipo mo ay high-maintenance, may tuna. Nasa iyo kung ano ang pipiliin mo. Pumili ng tama at swak sa panlasa. Wag magtyaga sa talangka kung meron namang tilapia.

 2. Maghintay ng tamang tyempo bago pumindot.
– Wag maging malaswa sa pagiisip. Ang ibig kong sabihin ay pagpindot ng go signal kapag handa ka na.

3. XL ka, hindi Small.
– Wag mong ipagpilitan ang isang damit kung hindi kakasya sa’yo. Masasaktan at mahihirapan ka lang dahil masikip ito para sa iyo. Wag mong ipagpilitan ang hindi naman talaga para sa’yo. Maghintay ka lang sa plano ni Lord para sa love life mo.

Kung ikaw ay bigo, ngayon lang yan. Dadating din yun. Minsan si Lord tinitignan lang kung kaya mong maghintay. Parang si Abraham lang, hintay hintay lang at dadating din. At wag mong i-kumpara ang sarili mo sa iba. Dahil hindi lahat ng taken ay totoong masaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s