Uhmm.. I’m back?

Okay, makalipas ang halos isang taon, ang daming nangyari!

Pero ito muna, uhmm.. may syota na ako. #SaWakas 🙂 ❤

Sa WakasNaging masaya ang lahat buhat nung naging kami. Gumaan ang mga bagay bagay dahil mayroon na akong katuwang. Mas naging responsable na din sa mga bagay bagay. Naiayos na din ang aking pananalapi. Naging maaga na ako sa pag pasok sa opisina. At sa wakas, may bumabati na ng “Good morning ❤ ingat ka sa pagpasok. :)” haaay.. 🙂

Sarap umibig, lalo’t higit kung ang iyong iniibig ay pinagtyagaan mong hintayin, pinangarap at sinuyo. Wala nang mas hihigit pa sa pag-ibig na hindi pinilit. Marami akong natutunan sa loob ng (almost) isang taon kong panliligaw, nais kong ibahagi ang ilan:

1. Natuto kong.. oh well, maghintay.
– Ako ang taong walang pasensya sa paghihintay. Maikli ang aking pasensya at madali akong sumuko. Pero dahil dito, natutunan kong i-enjoy sa paghihintay. Hindi madaling maghintay, pero kung matutunan natin yun, maraming bagay tayong mauunawaan at matututunan. Tandaan, ang mga bagay na minadali, kadalasan namamali.

2. Napatunayan kong tunay ko syang iniibig.
– Totoo ngang kapag mahal mo, walang malapit, walang malayo, walang matagal, walang mabilis, walang mura, walang mahal. Napatunayan kong tunay ko syang mahal dahil hindi ko alintana ang paghihintay. Nasubukan ang aking pagmamahal. Dahil kung mahal mo talaga, handa kang maghintay.

3. Natutunan ko ang salitang “Plano”.
– Okay. Husgahan nyo na ako, pero ako talaga yung taong hindi nagpaplano. Isa ito sa mga bagay na natutunan ko sa aking paghihintay, natutunan kong magplano para sa aking buhay at para sa aking kinabukasan. Iniisip ko na kung ano ang magiging kinabukasan “namin”, natuto akong mangarap ng malaki. Dahil noon ang pangarap ko ay puro pang sarili lang, pero ngayon, yung pangarap ko para saming dalawa na.

Marami pang mangyayari at mahaba pa ang lakbayin. Pero sigurado akong ito ay magiging masaya at makabuluhan. Pero yun, gusto ko lang talaga sabihin, i’m back. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s