The Job Hunting — Ang Pangangaso ng Trabaho

Congratulations at natapos mo na ang iyong pag-aaral! Kulang kulang labing anim na taong pag-aaral. Natutunan ang mga leksyong humubog sa pagkatao. Mga karanasang di malilimutan. Hirap, puyat, gutom, pila, kabisa, exam, papel, late, cutting classes, first love, first crush, first dance, last day, last test, last shot, mga bagay na di malilimutan sa loob ng labing anim na taon sa loob at labas ng paaralan na natapos sa isang pirasong papel na katibayan ng iyong pagtatapos.

So graduate ka na, akala ko noon yun na. Akala ko lang pala yun. May kasunod na lakbayain pa pala — TRABAHO.

“Kailangan mo ito. Matanda ka na para umasa pa sa amin.”
“Hindi ka habang buhay palamunin.”
“Mahiya ka naman sa amin.”
“Wala ka nang silbi dito sa bahay.”
“Tumulong ka naman sa bayarin.”
“Parating na si bumbay, magtatago nanaman ba tayo?”
“Pasukan nanaman sa June, mag eenroll na ang kapatid mong si Rose-Ann.”

Kailangan mo ba talaga marinig ito? Kung ayaw mong madinig ang mga ito, pwes, simulan mo nang maghanap ng T.R.A.B.A.H.O.

Bago mo ipasa ang iyong Resume sa mga kumpanyang gusto mong pasukan, may ilang mga bagay ka na dapat malaman:

  1. Ang una mong trabaho ay ang magdidikta na iyong susunod na mga trabaho.
    – Pare, Computer Science ang tinapos mo, bakit ka nag aapply sa barko? Dapat mong maintindihan na napaka halaga ng unang trabahong papasukan mo dahil yan ang magiging batayan ng iyong karera. Isipin mong mabuti ang karerang gusto mong pasukin. “Career path” yan ang una mong alamin bago ka pumasok sa elevator ng building.
  2. Wag ka munang gumamit ng calculator.
    – Okay lang maging ambisyoso, pero wag maging ambisyoso masyado pag dating sa sahod. First job mo ito, hindi mo pa makukuha ang mataas na sahod sa una mong trabaho #Realtalk. Ang goal mo dito ay makakuha ng maraming experience at exposure para sa mga susunod mong mga trabaho.

    It’s time to shine beybe!

  3. Wag mong ikumpara ang karera mo sa karera ng iba.
    – E ano ngayon kung malaking kumpanya ang napasukan ng kaklase mo nung college? Hindi naman porke’t nasa malaking kumpanya e malaki na din ang sahod. Tandaan, kailangan mong gumamit ng hagdan para makarating sa taas. Mas masipag, mas determinado, mas matyaga, mas dedikado, mas mabilis ang pag akyat.

    “Wala sa kumpanya yan, nasa pay slip yan!”

  4. Hindi puro talino, diskarte din
    – Hindi ako katalinuhan. Hindi din naman ako graduate ng UP, La Salle, o Ateneo. Pero, pwede mo namang daanin sa diskarte. Oo nga’t mahalaga na may mataas na kaalaman, pogi points din ang magadang school background, pero aanhin ang kaalaman kung hindi naman kayang gamitin sa totoong buhay. Kung di ka madiskarte, daanin mo sa talino, kung di ka katalinuhan, daanin mo sa diskarte. Ang mahalaga, maiparamdam mo yung gigil mo sa pagpasok sa trabaho. Sa job interview, binibenta mo ang iyong sarili. Bigyan mo sila ng mga dahilan para bilhin ka.

    “Be Confident but not over confident.”

  5. Honesto, promise!
    Interviewer: Do you know this and that? Ikaw: Yes Ma’am!  — Yung totoo? Alam mo ba talaga? Alam ng interviewer kung nagsasabi ka ng totoo o hindi depende sa iyong behaviour at sa klase ng sagot na binigay mo. Kaya kung ako sa’yo, aminin mo na ang totoo. Hindi nakakababa ng dignidad kung aaminin mong hindi mo talaga alam. Maging honest sa mga sagot at wag gumawa ng kwento.

Handa ka na? Sige apply lang ng apply. Hindi totoong mahirap maghanap ng trabaho sa pilipinas dahil maraming trabaho sa pilipinas. Wag sumuko at laging magsumikap. Matuto sa mga Job Interviews na pupuntahan. Ang pinakamahalaga sa lahat, hanapin ang kalooban ng Diyos. Sya ang ating Boss. Dadalhin ka nya sa trabahong gusto nya para sa’yo. Sya ang unahin mo sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay (pati yang job application mo) ay ipagkakaloob nya sa’yo. (Matthew 6:33)

Advertisements

One thought on “The Job Hunting — Ang Pangangaso ng Trabaho

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s